Monday, February 17, 2020

Little Things Matter

PROTIPS - February 18, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides

We need to pay attention to little things and small details in business because they do matter. Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig sa "pwede na yan" at sa paki-usap. We sometimes ask others to bend the rules a bit to accommodate our requests and for our convenience. Iniisip natin, maliit na bagay lang yan, dapat palampasin na. Ang problema, kapag nasanay tayo sa maliliit na paki-usap at palusot di natin na papansin na pati sa malalaking bagay ay nagiging sanay na rin tayong ikumpromiso kung ano ang dapat at tama. We need to pay attention to little things and small details in business because they do matter.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Little things matter so we should give value and importance to tiny and seemingly insignificant details. Bakit dapat pahalagahan ang maliliit na detalye sa ating trabaho?

1) Small leaks can result to huge losses. Kapag ang isang leak sa tubo ay pinabayaan, tiyak na maraming tubig ang masasayang. Magugulat ka na lamang at biglang tataas ang bill ninyo. Yun pala dahil sa leak sanhi ng maliit na butas sa tubo. Habang maliit pa lamang ang problema, ayusin na at ng hindi lumaki ang losses ninyo.

2) Small, frequent infractions can lead to bigger violations. Ang maliliit na infraction sa opisina, kapag hindi pinansin at tinolerate lamang ay maaaring mauwi sa malalaki at mas seryosong violations. Kaya dapat consistent. Make people accountable even for minor offenses. They need to know that you know. Dahil kung palagi mo na lamang palalampasin, mahihirapan ka na itama ang mali kapag ito'y nakasanayan na.

3) Everything that's big had small beginnings. Di natin dapat maliitin ang maliit dahil lahat ng lumaki, malaking negosyo, malaking puno, malaking tao ay may babalikang maliit na simula. A good and right start, however small it may be, will always be a good foundation for something big. Kaya maliit pa lang, dapat ay tama na ang simula.

While it is good to always have a big picture perspective of your work and business, also give attention to small details because they do matter. Sabi nga sa isang awit, "ang malaki sa maliit nagsimula."

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: ProTips FB Page

No comments:

Post a Comment