Thursday, February 27, 2020

You Always Have Time

PROTIPS - February 26, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides

Ilang beses mo ng nagamit ang dahilan na wala kang oras? Hindi ka pwedeng dumalo sa pagpupulong dahil masyado kang busy at wala kang oras. Hindi ka nakapag-return call dahil wala kang oras. Hindi mo nagawang kumain dahil marami kang trabahong tinatapos at wala kang oras. Talaga nga bang wala kang oras o iba lamang ang priorities mo kaya hindi mo nabigyan ng oras ang mga bagay na di mo nagawa? I am sure that people, things and occasions you deem necessary or important will definitely enjoy your time. Tandaan mo ito, palagi kang may oras.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Pantay-pantay ang oras na mayroon ang bawat isa sa atin. Lahat tayo ay may tagbebente-kwatro oras. Walang labis, walang kulang. Pero bakit may mga katrabaho tayo at kakilalang tila mas productive? Ano ang pinagka-iba? May apat na uri ng gawain na maaaring kumain ng ating oras, anu-ano ang mga ito?

1) Urgent and Important. Ito ang mga gawaing mahalaga at nangangailangan ng agarang atensyon natin. Kung ating ipagpapaliban tiyak na malaki ang magiging epekto sa ating trabaho o negosyo. Halimbawa, mayroong deadline para mag-submit ng proposal sa isa sa malalaking kliyente ninyo sa kumpanya. This is both urgent and important. Kailangan mong magawa sa oras ang proposal dahil ang pagkaantala ng nasabing trabaho ay maaaring makaapekto sa matagal at magandang ugnayan ninyo sa inyong kliyente. Ang mga gawaing urgent and important ay kailangang binibigyan ng oras.

2) Not Urgent and Important. May mga trabaho namang hindi urgent ngunit napakahalaga. Wala kang deadline na hinahabol ngunit kailangan mo pa ring paglaanan ng panahon, dahil kung ito ay iyong makakaligtaan, maaaring maging problema ito sa hinaharap. Halimbawa, nurturing relationships with clients and expanding your network don't necessarily have a deadline. Pero kung hindi mo ito bibigyang pansin at paglalaanan ng panahon, baka ang mga kliyenteng dapat ay nakuha mo ay mapunta sa iba na nagbigay ng halaga sa pag-aalaga at pagpapalawak ng kanilang contacts. Building relationships with your family and colleagues is seldom urgent. But if you neglect them and don't give them the time of day they deserve, tiyak na magiging malaking problema ito sa hinaharap. You should make time for work that are not urgent but important.

3) Urgent but not Important. Marami sa atin ang abala sa mga gawaing nasa kategoryang urgent but not important. You get yourself busy putting out fires, samantalang ang kailangan mong sugpuin ay kung ano ang nagiging sanhi ng mga maliliit na apoy o problema diyan sa inyong opisina. If you want to be a strategic worker, don't put too much energy and time on urgent but not important tasks.

4) Not urgent and not important. Ilan sa mga ginagawa mo ngayon ang hindi na urgent at hindi pa importante? My friend, you should not be wasting precious and limited time on tasks that are neither urgent nor important. Magsasayang ka lamang ng panahon. Maraming mga nagtatrabaho ang nadidistract ng social media. Kapag tumunog ang gadget mo, there is a sense of urgency that you need to read what's on your newsfeed at kailangan mong sagutin kaagad ang bawat mensahe na natatanggap mo. Pero kailangan nga ba? Urgent ba ito at mahalaga? Kung ang sagot ay hindi, ibig sabihin ay pwede mo itong ipagpaliban at gawin na lamang kapag mayroon ka ng sapat na oras.

Ang unang dalawang categorya ng gawain na aking inilarawan sa iyo ang dapat na pumupuno ng iyong to do list kung gusto mong maging mabunga o productive ang araw mo. Focus on tasks and activities that are urgent and important and not urgent but important. Successful individuals know how to effectively and wisely use their time. Honor God by being a good steward of the time that He has entrusted in your hands.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Friday, February 21, 2020

The Winning Attitude

PROTIPS - February 21, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides

Naranasan mo na bang magtagumpay pero sa iyong kalooban pakiramdam mo ay para kang isang talunan? Minsan ay may isang mag-aaral na palaging nananalo sa mga patimpalak. Ginawa siyang hall of famer ng kanilang paaralan upang mabigyang pagkakataon naman ang iba na magshine din at magwagi. Hindi natuwa ang estudyanteng ito. Nang mayroon ng ibang mag-aaral na nakaranas ding manalo, kahit pa sila'y magkaibigan hindi niya ito nilapitan upang batiin. Kahit na siya ay ilang ulit ng naging kampeon, di nakita sa kanya ang puso ng isang tunay na wagi. Panalo ngunit nag-asal bigo. On the other hand, you can be a winner even if you don't end up being first in a competition. Pag-usapan natin kung paano.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at panalong negosyo.

Ano nga ba ang ugaling wagi na kahit pa hindi ikaw ang number 1 sa mga competition diyan sa iyong trabaho ay winner pa rin ang attitude mo?

1) Be happy for the victories of other people. Makigalak ka sa tagumpay ng iyong mga kasama. Kung itinuturing mong bahagi ka ng team diyan sa inyong kumpanya, dapat ay tuwa ang dulot sa iyo sa tuwing may magtatagumpay sa opisina ninyo. Kung may mga incentive programs sa kumpanya ninyo upang mapataas ang productivity ng mga empleyado, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya kung nais mong magwagi. Pero kung hindi ikaw ang mananalo, iwasan mong magmukmok. Mas lalong iwasan mo ang mainggit. Being envious makes you lose twice. Ganito ang paalala sa, James 3:16 For where jealousy and selfish ambition exist, there will be disorder and every vile practice.

2) Be grateful for your personal victories. Ipagpasalamat mo sa Diyos ang tagumpay sa trabaho at negosyo na iyong nararanasan. Ang pagkilala na ang iyong kakayahan, kalakasan at karunungan ay mula sa Diyos, ang simula ng totoong tagumpay sa buhay. Matuto ring magpasalamat sa mga taong ginamit ng Diyos para tulungan kang magtagumpay. Halos lahat ng tagumpay ay hindi naman effort lamang ng iisang tao. Madalas the recognition is given to one person, but the work was really done by a team. If envy makes you lose twice, gratitude multiplies the joy of winning.

3) Practice humility. Kung di tayo maingat, ang tagumpay ay maaaring umakyat sa ating ulo at humantong sa pagiging mapagmalaki. Ang tunay na wagi ay ang manatiling nakatungtong sa lupa at mapagpakumbaba sa kabila ng mga tagumpay na iyong naranasan. Humility also pleases God. Ang sabi nga sa James 4:10, "Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up."

Ang tunay na pagkawagi ay di lang makikita sa tropeo o medalyang matatanggap mo. Mas mahalaga ay ang puso at ugaling panalo. Be happy for the victories of other people. Be grateful for your personal victories. And continue to practice humility.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Tuesday, February 18, 2020

Go Full Blast

PROTIPS - February 18, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides

Gusto mo bang magkaroon ng magandang impact sa inyong opisina? Then go full blast. How can you make a difference in your place of work? Let me share with you five simple tips from the word BLAST.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips.

Una, Be Positive. May nagsabing, "Bad things are often good things looked at from the wrong perspective." Kung positibo ang pananaw mo sa buhay at sa trabaho, kahit na crisis may nakikita ka pa ring opportunity. Kahit sa problema, may nakikita kang pagpapala. Such is the power of being positive. Ang mabuting pananaw ay nakapagpapabago ng iyong reaksyon kahit sa pinakamabigat na pagsubok na haharapin mo.

Pangalawa, Live to Leave a Legacy. Hindi ba't masayang isipin na kahit retired ka na sa iyong trabaho, naaalala pa rin ng inyong kumpanya ang naging contribution mo because you didn't just do your job, you left a lasting legacy. Ang sabi ni LeBronne James, "Dream as if you will live forever and live as if you'll die today." Ang magandang legacy ay kabuuan ng tama, mabuti at magandang pasyahin na iyong inaksyonan araw-araw. Making the right choices and living them out consistently help you build a good legacy.

Pangatlo, Aim to Excel. If you want to offer work that makes an impact, maging ubod husay sa iyong trabaho. Hindi ito madali, excellence requires going the extra mile not once but always. Mapapagod ka na rin lang sa trabaho, hindi ba mas maganda ng mayroon ka talagang pinagtrabahuhan at hindi nagbusy-bisihan lang? Ang mahusay natatandaan. Ang excellent binabalikan.

Pang-apat, Speak Words that Build Up. In my seminars and talks, I teach participants 3 power words that immediately light-up the room. Mabisa ang salita, lalo na kung tama at tapat ang pagkakasabi natin nito. Sabi nga sa Proverbs 18:21, "There is life and death in the power of the tongue." Speak to appreciate, encourage, affirm and build-up.

At panghuli, Trust God. Di maiiwasan na minsan tayo ay nagkakamali at nakagagawa ng mga desisyon na hindi mo maintindihan kung bakit yun ang iyong napagpasyahan. Matalino ka naman! Pero talaga namang ang husay at kakayahan ng tao ay may hangganan. We cannot rely on our own strength, because surely we will get tired. Hindi naman natin maasahan ang karunungan lamang natin, dahil tiyak namang marami pa tayong hindi nalalaman. God is the only one worthy of our 100% trust because He is all-knowing, all-powerful and ever-present. Gary V. popularized a song based on Proverbs 3:5-6 "Teach me to trust in You with all of my heart. To lean not on my own understanding..." Ang magtiwala sa Diyos ang susi ng trabahong panalo.

Work full blast by Being positive, Living to leave a legacy, Aiming to excel, Speaking words that build-up and Trusting God.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Monday, February 17, 2020

Little Things Matter

PROTIPS - February 18, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides

We need to pay attention to little things and small details in business because they do matter. Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig sa "pwede na yan" at sa paki-usap. We sometimes ask others to bend the rules a bit to accommodate our requests and for our convenience. Iniisip natin, maliit na bagay lang yan, dapat palampasin na. Ang problema, kapag nasanay tayo sa maliliit na paki-usap at palusot di natin na papansin na pati sa malalaking bagay ay nagiging sanay na rin tayong ikumpromiso kung ano ang dapat at tama. We need to pay attention to little things and small details in business because they do matter.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Little things matter so we should give value and importance to tiny and seemingly insignificant details. Bakit dapat pahalagahan ang maliliit na detalye sa ating trabaho?

1) Small leaks can result to huge losses. Kapag ang isang leak sa tubo ay pinabayaan, tiyak na maraming tubig ang masasayang. Magugulat ka na lamang at biglang tataas ang bill ninyo. Yun pala dahil sa leak sanhi ng maliit na butas sa tubo. Habang maliit pa lamang ang problema, ayusin na at ng hindi lumaki ang losses ninyo.

2) Small, frequent infractions can lead to bigger violations. Ang maliliit na infraction sa opisina, kapag hindi pinansin at tinolerate lamang ay maaaring mauwi sa malalaki at mas seryosong violations. Kaya dapat consistent. Make people accountable even for minor offenses. They need to know that you know. Dahil kung palagi mo na lamang palalampasin, mahihirapan ka na itama ang mali kapag ito'y nakasanayan na.

3) Everything that's big had small beginnings. Di natin dapat maliitin ang maliit dahil lahat ng lumaki, malaking negosyo, malaking puno, malaking tao ay may babalikang maliit na simula. A good and right start, however small it may be, will always be a good foundation for something big. Kaya maliit pa lang, dapat ay tama na ang simula.

While it is good to always have a big picture perspective of your work and business, also give attention to small details because they do matter. Sabi nga sa isang awit, "ang malaki sa maliit nagsimula."

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: ProTips FB Page

Sunday, February 16, 2020

Love is Investing Time In Relationships

PROTIPS - February 14, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides

Araw na ng mga Puso! Nagmahal na naman ng halos anim na beses ang mga bulaklak, kaya sakaling hindi ka makatanggap ng flowers, ok lang yun, cauliflower na lang o chicharong bulaklak makakain pa! We see a lot of symbolisms and expressions of love lately. Pero isang bata ang nagbigay ng magandang paalala kung ano ang mahalagang pagpapakita ng pag-ibig. Nang tanungin ang isang bata kung ano ang spelling ng love ang sagot niya ay "T-I-M-E". At tama nga naman siya, love is investing time in relationships.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ang oras mo ay isa sa iyong pinaka-precious resource. Mas mahalaga pa nga ito sa pera. Dahil ang pera ay maaari mong kitain muli, pero ang oras mo ay hindi na maibabalik. Kaya kung mahalaga sa iyo ang isang tao, maglalaan ka ng panahon para sa kanya.

What happens when you invest time in relationships?

1) You discover more things about people. Minsan nasabi ko sa isang kakilala, "Alam mo matagal na tayong magkakilala, pero hindi pala kita ganoong kakilala." It was only when we spent time with each other na nadiskubre ko ang maraming bagay tungkol sa kanya - ano ang kanyang interes, passion, struggles. Gaya nga ng madalas kong sabihin, there is so much more to a person than just your first impression of her. Show love by investing time in people.

2) You are able to connect when you purposefully spend time with others. Para patatagin ang iyong ugnayan opisina, dapat ay maging purposeful ang oras na inyong ginigugol sa inyong pagsasama-sama. You maybe in the same office for 8 hours every single day pero kung hindi ka naman nakikipag-usap, wala kayong interaction sa isa't-isa, hindi rin lalalim ang inyong ugnayan. Follow the example of Jesus, he had 3 years to mentor his disciples. He spent his time with them intentionally and purposefully.

3) You are able to create meaningful memories together. Maraming magagandang alaala ang pwede ninyong likhain ng sama-sama diyan sa inyong trabaho kung bibigyan ninyo ng panahon ang isa't-isa. Make it a goal to create happy memories with the people you love - pamilya mo, co-worker o client by spending quality time with them.

Love is not love when it is not expressed. And to express love, you need to invest a precious resource called time. Magbigay ka ng panahon sa mga taong mahal mo at mahalaga sa iyo.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Sunday, February 9, 2020

Turn Your Tears to Treasure

PROTIPS - February 6, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides

Maaaring mayroon kang pinagdaraanan na matinding pagsubok sa trabaho mo ngayon. Tandaan mo, you can turn your tears into priceless treasures.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May nabasa akong poster na ganito ang nakalagay, "God can turn a mess into a message, a test into a testimony, a victim to a victor and a tragedy into triumph." Paano nga ba magiging treasure ang mga iniiiyak mo sa iyong buhay at trabaho ngayon?

1) Don't take the easy way out. Iwasan mong takasan ang iyong problema. Facing your problems courageously is the first important step towards overcoming it. Ang problemang iyong tinatakbuhan, tiyak na hahabulin ka lamang. Kaya harapin mo ito at pag-aralan mo kung paanong ang problema ay pwedeng maging isang magandang oportunidad na iyong mapakikinabangan. Karamihan sa mga produkto na mayroon tayo ngayon ay katugunan sa isang problema.

2) Instead of being fearful, be faithful. Kapag takot ang naging tugon mo sa gahiganteng pagsubok na mayroon ka ngayon, hindi ka makakakilos at hindi mo makikitang higit na malaki ang Diyos kaysa sa iyong problema. Instead of being fearful, put your faith in God. Ang sabi ng Diyos sa Isaiah 41:10, "Fear not, for I am with you."

3) Share your journey with others. Ang pinagdaanan mo ay maaaring pinagdaraanan din ng iba ngayon. Your tears before, may become precious treasures to others today. Ang difficulties na iyong napagtagumpayan ay hindi lamang para sa iyo. Ibahagi mo ang iyong kwento at karanasan para mapaghugutan din ng lakas ng loob ng ibang nangangailangan ng encouragement at inspirasyon.

Problems are priceless blessings in the most unlikely packages. Huwag mo itong takasan. Humingi ka ng tulong at gabay sa Diyos upang ito ay iyong mapagtagumpayan. At ibahagi mo sa iba ang mga bagay na iyong natutunan buhat sa mga problemang natapos na. Turn your tears to treasures.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: ProTips FB Page

Closed Doors Are Blessings

PROTIPS - February 7, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides

Naranasan mo na bang mapagsarhan ng pintuan ng MRT o kaya ay elevator? Yung bang umaasa kang makasasakay ka na pero hindi ka umabot at napagsarhan ka? Frustrating lalo na kung nagmamadali ka at may kailangang habulin. Pero alam mo, sa buhay at trabaho natin, may mga pagkakataong ang closed doors ay blessing din.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May awit na ang sabi ay, "When God closes a door, He opens a window." Minsan ay may mga inaasahan tayong proyekto na akala natin ay atin na pero napupunta pa sa iba. Posisyon na ipinangako na sa iyo, pero pagpasok mo isang araw, iba na ang nakapwesto. Aruy! Ang sakit! Pero kung talagang hindi para sa iyo, huwag mo ng ipilit. Huwag mo ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo. Paano nga ba nagiging pagpapala ang closed doors sa buhay o career natin?

1) Waiting for closed doors to open helps you develop patience. Kung naranasan mo ng maghintay na pagbuksan ka ng pinto o kaya ay magbukas ang isang business establishment, alam mong natuturuan tayo na maging mapagpasensiya ng paghihintay. Mahirap maghintay, pero mabuti para sa ating character ang paminsan-minsan ay naghihintay tayo. It is a test of one's patience and humility.

2) Closed doors provide protection. Madalas, ang tingin natin sa closed door ay kawalan ng oportunidad. Pero hindi ba sa mga bahay natin bago tayo matulog, tinitiyak natin na dapat ay hindi lang sarado kundi nakakandado pa ang mga pintuan natin? Bakit? Para sa ating proteksyon. God will sometimes allow doors of opportunities to close on us, for our protection.

3) A closed door will lead you to the right door. Kapag may nagsarang oportunidad sa negosyo mo, huwag mo masyadong damdamin o ikalungkot dahil maraming beses na ito ang nagiging daan para mahanap natin kung ano pala ang oportunidad na talagang para sa atin. Save yourself from unnecessary heartaches. If God says, "no", relax. He has a better plan for you.

May mga nagsarang pintuan ba diyan sa trabaho o negosyo mo? Remember, even a closed door can be a blessing . Ang sabi nga sa Romans 8:28, "And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are called according to his purpose."

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page