Friday, April 26, 2019

The Winning Attitude

PROTIPS - April 26, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides

Naranasan mo na bang magtagumpay pero sa iyong kalooban pakiramdam mo ay para kang isang talunan? Minsan ay may isang mag-aaral na palaging nananalo sa mga patimpalak. Ginawa siyang hall of famer ng kanilang paaralan upang mabigyang pagkakataon naman ang iba na magshine din at magwagi. Hindi natuwa ang estudyanteng ito. Nang mayroon ng ibang mag-aaral na nakaranas ding manalo, kahit pa sila'y magkaibigan hindi niya ito nilapitan upang batiin. Kahit na siya ay ilang ulit ng naging kampeon, di nakita sa kanya ang puso ng isang tunay na wagi. Panalo ngunit nag-asal bigo. On the other hand, you can be a winner even if you don't end up being first in a competition. Pag-usapan natin kung paano.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at panalong negosyo.

Ano nga ba ang ugaling wagi na kahit pa hindi ikaw ang number 1 sa mga competition diyan sa iyong trabaho ay winner pa rin ang attitude mo?

1) Be happy for the victories of other people. Makigalak ka sa tagumpay ng iyong mga kasama. Kung itinuturing mong bahagi ka ng team diyan sa inyong kumpanya, dapat ay tuwa ang dulot sa iyo sa tuwing may magtatagumpay sa opisina ninyo. Kung may mga incentive programs sa kumpanya ninyo upang mapataas ang productivity ng mga empleyado, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya kung nais mong magwagi. Pero kung hindi ikaw ang mananalo, iwasan mong magmukmok. Mas lalong iwasan mo ang mainggit. Being envious makes you lose twice. Ganito ang paalala sa, James 3:16 For where jealousy and selfish ambition exist, there will be disorder and every vile practice.

2) Be grateful for your personal victories. Ipagpasalamat mo sa Diyos ang tagumpay sa trabaho at negosyo na iyong nararanasan. Ang pagkilala na ang iyong kakayahan, kalakasan at karunungan ay mula sa Diyos, ang simula ng totoong tagumpay sa buhay. Matuto ring magpasalamat sa mga taong ginamit ng Diyos para tulungan kang magtagumpay. Halos lahat ng tagumpay ay hindi naman effort lamang ng iisang tao. Madalas the recognition is given to one person, but the work was really done by a team. If envy makes you lose twice, gratitude multiplies the joy of winning.

3) Practice humility. Kung di tayo maingat, ang tagumpay ay maaaring umakyat sa ating ulo at humantong sa pagiging mapagmalaki. Ang tunay na wagi ay ang manatiling nakatungtong sa lupa at mapagpakumbaba sa kabila ng mga tagumpay na iyong naranasan. Humility also pleases God. Ang sabi nga sa James 4:10, "Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up."

Ang tunay na pagkawagi ay di lang makikita sa tropeo o medalyang matatanggap mo. Mas mahalaga ay ang puso at ugaling panalo. Be happy for the victories of other people. Be grateful for your personal victories. And continue to practice humility.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment