Monday, April 29, 2019

Get Up and Try Again

PROTIPS - April 30, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides
Nakaka-inspire panoorin ang mga bata kapag natututo pa lamang silang lumakad. Lalakad ng ilang hakbang, madarapa, tatayo at lalakad muli. Paminsan-minsan umiiyak kapag nasaktan, pero pilit na tatayo para ituloy ang paglalakad nila hanggang sa ikaw na ang hahabol sa kanila. It's just ironic that when we were younger, mas mabilis tayong maka-recover sa ating pagkakadapa. Sana hanggang ngayon ay taglay pa rin natin ang tapang at pagpupursige ng isang batang natututong maglakad. Galing ka ba sa pagkakadapa diyan sa iyong trabaho. Get up and try again.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

We all know that life is seldom smooth-sailing. Talagang bahagi na ng buhay at trabaho natin na dumarating ang problema. At minsan ang mga problemang ito ay tayo rin naman ang may gawa. Kapag may desisyon ka o aksyon na hindi naging successful, charge it to experience. Get up and try again. Bakit nga ba hindi dapat na agad tayong sumusuko kapag minsang hindi naging successful ang ating ginawa?

1) You might just get it right the next time. Huwag kang agad-agad na susuko dahil baka makamit mo na ang tagumpay sa susunod mong pagsubok. At hindi mo ito malalaman kung hindi mo susubukan. Ilan kaya sa mga ginagamit nating teknolohiya ngayon ang hindi natuloy kung nadiscourage sa failed experiments ang mga imbentor nito. Marami sa mga matagumpay na kumpanya at tao na nakikita natin ngayon ay patotoo ng kahalagahan ng pagpapatuloy at pagsubok na muli. If you don't get it right the first time, try again.

2) There is a reward for those who persevere. Hindi madali ang magfail. Masakit, nakawawala ng tiwala sa sarili. Pero mas mahirap ang hindi na sumubok muli. Kasi palagi mo na lamang babalikan ang failure mo at palagi ka ring magtatanong kung ano kaya ang nangyari kung nag-try ka muli. Stop asking, "What if", get up and try again. Isa sa rewards ng pagpupursige ay maturity na harapin ang mga pagsubok sa buhay at trabaho mo.

3) Failing first before succeeding is a training in humility. Bakit natin ipagpasalamat ang failure? Dahil natututo tayong magpakumbaba kapag tayo ay nadarapa. Mabilis kasi nating makalimutan na ang talino, kakayahan at talento na mayroon tayo ay bigay lahat ng Diyos sa atin. Kapag ikaw ay nagfail muna bago ka nagtagumpay, mas madali nating makikita na ang pangalawang pagkakataon na mayroon tayo ay mula sa Diyos. At ang tagumpay na ating nakamit sa trabaho at negosyo natin ay biyayang dapat na ipagpasalamat natin sa Kanya.

Nagdaraan ka ba sa pagkadapa at pagkatalo ngayon. Get up ang try again. You might just get it right the next time.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No Excuses to Excellence

PROTIPS - April 29, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides

Gusto mo bang maging excellent sa iyong negosyo o trabaho? Are you willing to go the extra mile to provide the best service to the people around you? Then remove all the "ifs and buts" in your vocabulary.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May kasabihan nga tayong, "Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan". Kung excellence sa trabaho at negosyo ang gusto mo, itigil na ang pagdadahilan at simulan na ang pagiging maparaan. Paano?

1) Stop counting the roadblocks, focus on the road. Hangga't may daan, may paraan kung paano ka uusad. You can crawl under the roadblock, go over it or tear it down, ang mahalaga, umabante ka. Ang sabi nga ni Martin Luther King Jr., "If you can't fly then run. If you can't run then walk. If you can't walk then crawl. The important thing is that you keep on moving forward."

2) Don't keep a tally of how many times you've failed, focus on how others have won. Kung palagi mong bibilangin ang mga panahong nagkamali ka o di nagwagi, panghihinaan ka talaga ng loob na lumabang muli. When athletes experience defeats, they study how their opponents won at naghahanda silang mabuti para sa susunod na laban. Kung nakaya ng iba, kakayanin mo rin.

3) Bear in mind that excellence has a price. Hindi madali, hindi mura ang excellence. Ito'y pinaghihirapan. Ito'y pinagsusumukapan. Excellence is the product of commitment, consistency, hard work and discipline. Kaya kung ang hangad mo ay excellence sa buhay at trabaho, ihanda mo na ang iyong sarili na magbanat ng buto because there are no excuses for a person who pursues excellence.

Kung plano mong magdahilan para hindi makapasok sa trabaho mo ngayon, kung nag-iisip ka na ng excuse para hindi ipasa ang report na ngayon na ang deadline, instead of coming up with countless excuses, use your time to work towards being excellent.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Friday, April 26, 2019

The Winning Attitude

PROTIPS - April 26, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides

Naranasan mo na bang magtagumpay pero sa iyong kalooban pakiramdam mo ay para kang isang talunan? Minsan ay may isang mag-aaral na palaging nananalo sa mga patimpalak. Ginawa siyang hall of famer ng kanilang paaralan upang mabigyang pagkakataon naman ang iba na magshine din at magwagi. Hindi natuwa ang estudyanteng ito. Nang mayroon ng ibang mag-aaral na nakaranas ding manalo, kahit pa sila'y magkaibigan hindi niya ito nilapitan upang batiin. Kahit na siya ay ilang ulit ng naging kampeon, di nakita sa kanya ang puso ng isang tunay na wagi. Panalo ngunit nag-asal bigo. On the other hand, you can be a winner even if you don't end up being first in a competition. Pag-usapan natin kung paano.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at panalong negosyo.

Ano nga ba ang ugaling wagi na kahit pa hindi ikaw ang number 1 sa mga competition diyan sa iyong trabaho ay winner pa rin ang attitude mo?

1) Be happy for the victories of other people. Makigalak ka sa tagumpay ng iyong mga kasama. Kung itinuturing mong bahagi ka ng team diyan sa inyong kumpanya, dapat ay tuwa ang dulot sa iyo sa tuwing may magtatagumpay sa opisina ninyo. Kung may mga incentive programs sa kumpanya ninyo upang mapataas ang productivity ng mga empleyado, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya kung nais mong magwagi. Pero kung hindi ikaw ang mananalo, iwasan mong magmukmok. Mas lalong iwasan mo ang mainggit. Being envious makes you lose twice. Ganito ang paalala sa, James 3:16 For where jealousy and selfish ambition exist, there will be disorder and every vile practice.

2) Be grateful for your personal victories. Ipagpasalamat mo sa Diyos ang tagumpay sa trabaho at negosyo na iyong nararanasan. Ang pagkilala na ang iyong kakayahan, kalakasan at karunungan ay mula sa Diyos, ang simula ng totoong tagumpay sa buhay. Matuto ring magpasalamat sa mga taong ginamit ng Diyos para tulungan kang magtagumpay. Halos lahat ng tagumpay ay hindi naman effort lamang ng iisang tao. Madalas the recognition is given to one person, but the work was really done by a team. If envy makes you lose twice, gratitude multiplies the joy of winning.

3) Practice humility. Kung di tayo maingat, ang tagumpay ay maaaring umakyat sa ating ulo at humantong sa pagiging mapagmalaki. Ang tunay na wagi ay ang manatiling nakatungtong sa lupa at mapagpakumbaba sa kabila ng mga tagumpay na iyong naranasan. Humility also pleases God. Ang sabi nga sa James 4:10, "Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up."

Ang tunay na pagkawagi ay di lang makikita sa tropeo o medalyang matatanggap mo. Mas mahalaga ay ang puso at ugaling panalo. Be happy for the victories of other people. Be grateful for your personal victories. And continue to practice humility.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Wednesday, April 24, 2019

Closed Doors Are Blessings

PROTIPS - April 22, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides

Naranasan mo na bang mapagsarhan ng pintuan ng MRT o kaya ay elevator? Yung bang umaasa kang makasasakay ka na pero hindi ka umabot at napagsarhan ka? Frustrating lalo na kung nagmamadali ka at may kailangang habulin. Pero alam mo, sa buhay at trabaho natin, may mga pagkakataong ang closed doors ay blessing din.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May awit na ang sabi ay, "When God closes a door, He opens a window." Minsan ay may mga inaasahan tayong proyekto na akala natin ay atin na pero napupunta pa sa iba. Posisyon na ipinangako na sa iyo, pero pagpasok mo isang araw, iba na ang nakapwesto. Aruy! Ang sakit! Pero kung talagang hindi para sa iyo, huwag mo ng ipilit. Huwag mo ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo. Paano nga ba nagiging pagpapala ang closed doors sa buhay o career natin?

1) Waiting for closed doors to open helps you develop patience. Kung naranasan mo ng maghintay na pagbuksan ka ng pinto o kaya ay magbukas ang isang business establishment, alam mong natuturuan tayo na maging mapagpasensiya ng paghihintay. Mahirap maghintay, pero mabuti para sa ating character ang paminsan-minsan ay naghihintay tayo. It is a test of one's patience and humility.

2) Closed doors provide protection. Madalas, ang tingin natin sa closed door ay kawalan ng oportunidad. Pero hindi ba sa mga bahay natin bago tayo matulog, tinitiyak natin na dapat ay hindi lang sarado kundi nakakandado pa ang mga pintuan natin? Bakit? Para sa ating proteksyon. God will sometimes allow doors of opportunities to close on us, for our protection.

3) A closed door will lead you to the right door. Kapag may nagsarang oportunidad sa negosyo mo, huwag mo masyadong damdamin o ikalungkot dahil maraming beses na ito ang nagiging daan para mahanap natin kung ano pala ang oportunidad na talagang para sa atin. Save yourself from unnecessary heartaches. If God says, "no", relax. He has a better plan for you.

May mga nagsarang pintuan ba diyan sa trabaho o negosyo mo? Remember, even a closed door can be a blessing . Ang sabi nga sa Romans 8:28, "And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are called according to his purpose."

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Finish What You Started

PROTIPS - February 17, 2017

By Maloi Malibiran-Salumbides

Anong naiisip at nararamdaman mo sa tuwing mayroon kang makikitang kalsada o tulay na hindi natapos? O kaya naman ay building project na hindi natuloy? Nakapanghihinayang di ba? Ang isang bagay na dapat sana ay naging kapakipakinabang at kagamit-gamit ay nauwi sa wala dahil hindi ito natapos. Kaya nga, magandang maging pamantayan natin sa ating buhay at trabaho na kung ano ang sinimulan natin, atin ding tapusin.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Sa Luke 14:28-30 ay may paalala sa atin tungkol sa kahalagahan na tapusin ang ating sinimulan. This is what we'll read in that verse, "Which of you, wishing to build a tower, does not first sit down and count the cost to see if he has the resources to complete it? Otherwise, if he lays the foundation and is unable to finish the work, everyone who sees it will ridicule him, saying, ‘This man could not finish what he started to build.’…"

Paano nga ba natin maiiwasan ang trabahong bitin o hindi tapos?

1) Set realistic goals and plans. Minsan masyadong matayog ang pangarap at plano natin na hindi naman sapat ang resources na mayroon tayo. Gusto mong magtayo ng malaking negosyo pero ang kaya pa lamang ng budget mo ay maliit na simula. Think long-term. Think about what is sustainable. Hindi pwedeng magarbo ang simula, kinabukasan ay nagkatamaran o ayawan na.

2) Don't start something that you cannot complete. Ang pangarap at plano mo ay mayroon dapat na kaakibat na resources - finances, manpower, logistics. Kung hindi pa sapat ang kailangang resources para makumpleto ang proyekto, baka kailangang ang efforts ninyo ay ituon muna na pagpaparami nito. Mahirap mabinbin ang isang gawain dahil kinapos ng materyales o ng pondo.

3) Ask God to help you finish the job. May panahong parang gusto mo na lamang mag-give-up at sabihing, di ko na talaga kaya, suko na ako. These are moments and opportunities for you to pause and be still and see how God will see you through. Lahat ng sinimulan ng Diyos, Kanyang tinatapos at kinukumpleto. Ang sabi nga sa Philippians 1:6, "For I am confident of this very thing, that He who began a good work in you will perfect it until the day of Christ Jesus." God is not giving up on you, so why give up on yourself?

Huling working day na ng work week na ito para sa marami sa atin. Tapusin mo ang kailangang tapusin para talagang ma-enjoy mo ang iyong weekend.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


Source: Protips FB Page