Tuesday, September 17, 2019

Making Hard Decisions

PROTIPS - September 18, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides


May mga desisyong simple at madaling gawin. Mga desisyon gaya ng ano ang breakfast mo, anong isusuot mo, o kaya ay ila-like mo ba ang picture na pinost ng officemate mo. Pero marami din naman ang desisyong mahirap gawin katulad ng ano ang kursong kukunin mo, sasagutin mo na ba ang nanliligaw sa iyo, magma-migrate ka ba sa ibang bansa o mananatili ka ba diyan sa trabaho mo gayung may mas magandang opportunity na dumating? Most difficult decisions have long-term impact in our lives kaya nga hindi ito madaling pagpasyahan. Araw-araw may mga desisyon kang kailangang gawin. Paano nga ba tayo makagagawa ng tama at matalinong pagpapasya lalo na sa mabibigat na isyu ng trabaho, negosyo at buhay natin?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May magandang paalala ang American clergyman na si Dr. Robert Schuller tungkol sa paggawa ng desisyon. Ang sabi niya, "Never cut a tree down in the wintertime. Never make a negative decision in the low time. Never make your most important decisions when you are in your worst moods. Wait. Be patient. The storm will pass. The spring will come." May mahalaga ka bang desisyon na kailangang gawin ngayon sa trabaho mo o negosyo? Pakinggang mo muna ang mga gabay na ito. 

1) Think hard. Major decisions should never be made on a whim. Dapat itong pinag-iisipan ng mabuti. Pag-aralan mo ang iba't-ibang anggulo ng desisyon na kailangan mong gawin. Weigh the pros and cons. At hangga't maaari kumunsulta ka sa mga eksperto at may karanasan na sa pinagdaraanan mo. Ang mga desisyon na tiyak na may malaking epekto sa ibang tao ay dapat na pinag-uusapan at pinagkakasunduan. Halimbawa, ikaw ay pamilyadong tao at may plano kang magtrabaho sa ibang bansa. Hindi pwedeng ikaw lang ang magpasya tungkol dito. You need to think through this decision with your spouse and children because they will be affected by this kind of major decision. Huwag mong madaliin ang paggawa ng mabibigat at malalaking desisyon. Pag-isipan mo ito ng maka-ilang beses. 

2) Pray hard. Hindi mo naman kailangang magpasya ng nag-iisa. Ipanalangin mong mabuti ang iyong desisyon at hingin mo sa Diyos ang Kanyang gabay at karunungan para magawa ang tamang pasya. Ang sabi sa James 1:5, "If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you". God's Word is described as a lamp to our feet and a light to our path. Hindi ka mangangapa sa dilim sa iyong paggawa ng mahahalagang pasyahin kung ito'y iyong ipananalangin.

3) Don't be hard on yourself. May mga pagkakataong, pinag-isipan mo namang mabuti at iyong ipinanalangin ang isang desisyon pero bakit parang mali yata ang iyong naging pasya? Sa mga pagkakataong hindi ayon sa inaasahan mo ang naging resulta ng iyong desisyon, iwasang manisi ng ibang tao o ng sarili mo. Don't be too hard on yourself. Sa halip na sisihin ang sarili, pag-aralan kung saan ka nagkamali at matuto buhat dito. We should grow wiser with every decision that we make.

Gagawa ka ba ng mahirap at mahalagang desisyon ngayon? Think hard and pray hard. And in case your decision doesn't turn out well don't too be hard on yourself. Ang maling pasya ay pwedeng maging mahusay na guro para ikaw ay matuto at lumago.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Monday, September 16, 2019

Compare Not

PROTIPS - September 17, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides


Ang sabi ni Theodore Roosevelt, "Comparison is the thief of joy". Walang buting naidudulot ang ikumpara ang iyong sarili sa iba. Magiging miserable ka lang dahil tiyak namang may makikita kang mas magaling. mas matalino, mas maabilidad at mas good-looking kaysa sa iyo. Nanakawin lamang nito ang galak sa puso at buhay mo. Stop comparing yourself to others. 

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

It is unwise to compare yourself to others because you do not know their whole story. Kung maiinggit ka sa mga nakikita mong IG o FB posts ng mga kaibigan mo, tandaan mo na hindi ito ang buong buhay nila. You do not know what is going on behind those happy smiles and curated photos. Narito ang mas productive na gawain kaysa sa pagkukumpara ng sarili natin sa iba.

1) Learn from the strengths of others. Sa halip na ikumpara mo ang sarili sa iba na maaaring mauwi sa inggit o kaya ay insecurity, pag-aralan mo ang kanilang kahusayan at alamin kung ano ang pwede mong mapulot o matutunan sa kanila. Acknowledge and admire the good in others. Kung makatutulong sa iyo, hanapan ng application ang kakayahang matututunan mo buhat sa iba.

2) Appreciate and accept how God wired you. Kung wala kang bilib sa sarili mo, paulit-ulit mong bigkasin ang nakasulat sa Psalm 139:14, "I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well." You are God's wonderful creation. At nang likhain ka Niya, binigyan ka ng Diyos ng natatanging kakayahan, personalidad at kahusayan. Tanggapin at maging kuntento sa kung sino ka.

3) Evaluate yourself and assess where you need to grow. Hangarin mong lumago hindi para maging kagaya o kamukha lamang ng iba. Make it your goal to grow into the best version of yourself and not just be a copycat of someone else. Kung may tutularan ka, hangarin mong lumago at gawin mong benchmark si Jesus. Christ-likeness should be our life goal. Ang sabi nga sa Philippians 2:5, "In your lives you must think and act like Christ Jesus." 

Huwag mong hayaang nakawin ng pagkukumpara ng sarili mo sa iba ang galak na mayroon ka. Be thankful for how God uniquely wired you. Stop comparing yourself to others.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Sunday, September 15, 2019

Finding Your Purpose

PROTIPS - September 16, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides


Mayroong mga bagay na para sa iba ay di na kagamit-gamit, pero nahahanapan pa rin natin ito ng silbi at napakikinabangan pa rin. Do you sometimes feel rotten and without a purpose? Mayroong magandang layunin ang buhay mo at kung bakit ka nariyan sa pinagtatrabahuhan mo ngayon. Have you lost your purpose at work and in life? Para sa iyo ang Protips natin ngayon.


Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho.

May tatlong kaisipan na gusto kong baunin mo sa iyong pagtatrabaho ngayon.

1) You have a unique purpose. Wala kang katulad sa mundong ibabaw. Siguro may kahawig ka. Pero walang eksaktong kagaya mo. God created you with a unique set of traits, personality, talents and abilities to fulfill a God-given purpose that only you can fulfill. Kaya huwag mong sayangin ang oras at lakas mo kagagaya sa layunin ng iba. If you were born a square, be the best square that you can be. Huwag mong ipilit na maging bilog. Tanggapin at respetuhin mo ang natatanging pagkakalikha sa iyo ng Diyos.

2) Your passion points you to your purpose. Noong bata pa ako, inaasahan ng pamilya namin na magiging doctor ako. But during my teenage years, nagkaroon ako ng interes sa public speaking at sa pagiging disc jockey. Naaalala ko pa nga na gamit ang isang cassette recorder, I would record and play song requests mula sa aming kasambahay at kapatid. Sino ba ang mag-aakala na pagkalipas ng maraming taon, magiging broadcaster nga pala ako. The things that you are passionate about are usually sign posts which God will use to point you to your purpose.

3) Your purpose will pursue you. Mayroon akong mga nakakausap na professionals na restless sa kanilang trabaho. Hindi sila masaya, hindi sila motivated at parang napipilitan lang sila sa kanilang ginagawa. Kung ganito ang pinagdaraanan mo ngayon, hindi ko naman irerekomenda na agad-agad ay mag-resign ka sa trabaho mo. Madalas ay padadaanin ka ng Diyos sa mga karanasang hindi mo masyadong gusto para ihanda ka physically, emotionally, psychologically at socially sa layunin at tungkuling nakalaan para sa iyo. Maagang ipinakita ng Diyos kina Joseph at David kung ano ang tungkulin at layuning gagampanan nila sa buhay. Both of them were destined to lead God's people. Pero hindi naman ito overnight na nangyari. Napakahabang proseso ang pinagdaanan nila bago ito natupad. Joseph had to be imprisoned. David had to fight Goliath and flee from Saul before he became king. But their purpose pursued them. At sa bandang huli ay natupad din ang layunin ng Diyos para sa kanilang buhay. (Read Joseph's story in Genesis 37 and David's story in 1 Samuel 16)

 May magandang layunin ang Diyos para sa buhay at trabaho mo. Kung hindi mo pa ito nadidiskubre, hindi pa huli ang lahat. Tandaan mo, you have a unique purpose, your passion will point you to your purpose and your God-given purpose will pursue you. Ang sabi sa Proverbs 19:21 "Many are the plans in the mind of a man, but it is the purpose of the LORD that will stand." (ESV) 

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Sunday, September 8, 2019

Getting Up After a Fall

PROTIPS - September 9, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Kapag nakaranas tayo ng pagbagsak, pagkatalo o pagkabigo sa ating mga pangarap o plano, hindi maiiwasan na masaktan, magduda sa ating kakayahan at magtanong ng "Bakit?" That's normal. But never ever wallow in self-pity and self-doubt. What do you do after failing? Get up and start again.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ano ang mga dapat gawin para makabangon tayo muli?

1) Accept the fact that falling and failing are a part of life. Kahit ang mga undeafeated champions ay nakararanas din ng pagkadapa at pagkatalo. We do not know what happens during their practice fights, pero malamang sa hindi ay nadarapa din sila sa kanilang mga pag-eensayo. Some champions are able to maintain a no-loss record, kasi hindi naman nila hinaharap ang lahat ng mga nais kumalaban sa kanila. Our nature as imperfect individuals make us very vulnerable to failure. Mas madali tayong makababangon mula sa pagkakamali at pagkakadapa kung tatanggapin nating, bahagi ito ng buhay. Hindi lang ikaw ang bumagsak, marami pang iba, at pinili nilang bumangon, sumubok muli at magtagumpay.

2) Allow your failure to fuel your future successes. Kapag ikaw ay nakipagsapalaran at hindi ka nagtagumpay, hindi ibig sabihin ay walang-wala kang napala sa karanasang ito. Hindi pag-aaksaya ng panahon, lakas at pera ang pagbagsak. In the process, you became a stronger, wiser and braver person. Hindi ka nga lang naging successful ang unang pagsubok but you are actually more prepared now to take on another challenge, dahil pinatatag ka ng panahon, karanasan at mas malawak na kaalaman.

3) Admit your hurts and disappointments and let God encourage you. Kapag umiral ang pagdududa sa iyong kakayahan, sa tuwing matatakot ka kung ano ang mangyayari sa iyong kinabukasan, lumapit ka sa Diyos at sa Kanya mo ibuhos ang lahat ng iyong nararamdaman. God understands your hurts, doubts and disappointments. He also sees the big picture of your life and future. Kung hindi malinaw ang hinaharap para sa iyo dahil sa pagbagsak o pagkabigo, hang-on to what the word of God says, "For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." (Jeremiah 29:11 NIV).

Paano ka babangon muli buhat sa pagkakabagsak sa buhay, trabaho, negosyo o examination? Accept that failing is part of our journey; allow your failure to fuel your future success; and admit your hurts and let God encourage you.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Sunday, September 1, 2019

Hope Pa More

PROTIPS - September 2, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides


Huwag mawawalan ng pag-asa dahil hindi natin alam ang mga twists and turns ng ating buhay. Habang may buhay, talagang may pag-asa. Kaya, hope pa more, mga ka-Protips.

Magandang araw! Ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspirado at puno ng pag-asang pagtatrabaho.

Kung mayroong mailap na break ang hindi pa mapasa-iyo at medyo pinaghihinaan ka na ng loob. May tatlong hope booster ako na gustong ibigay sa iyo.

Tip#1: Continue to have faith. Ang sabi sa Hebrews 11:1, "Faith is the confidence that what we hope for will actually happen; it gives us assurance about things we cannot see." Ang pananampalataya ay ang patuloy na pag-asa na ang iyong ipinapanalangin, minimithi at inaasam-asam ay mangyayari sa tamang panahon at ayon sa kalooban ng Diyos.

Tip#2: Continue to count your blessings. Hindi pa man napapasa-iyo ang bunga ng iyong pagsisipag at pagsisikap, tiyak akong mayroon ka pa ring maaaring ipagpasalamat na biyaya na iyong natanggap. Open your eyes and cultivate a grateful heart para makita mo ang mga pagpapala sa nasa iyo na pala.

Tip#3: Continue to hope that God has the best in store for you. Ang timing ng Diyos ang siya pa ring pinakamainam sa lahat. Hindi man natutupad pa ang iyong mga plano kung ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon ay paghahanda para sa mas malaking responsibilidad at mas malaking biyaya na ipagkakatiwala sa iyo.

Continue to have faith. Continue to count your blessings and continue to put your hope in God.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page