Thursday, February 16, 2017

4 Keys to Effective Leadership

PROTIPS - January 24, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Sa kabila ng malaki at mabigat na responsibilidad na nasa balikat ng isang pinuno, marami pa rin ang naghahangad na maging isang leader. Ano nga ba ang susi sa pagiging isang mahusay na pinuno? 

Magandang araw! Ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Kapag nabigyan ka ng pagkakataon na mamuno, gawin mo ang iyong tungkulin ng may kahusayan at katapatan. Leadership is a calling that should be taken seriously. Ang sabi nga, "to whom much is given, much is also required". Narito ang apat na mungkahi kung paano maging isang muhusay na leader. Gamitin natin ang salitang LEAD para madali mong maalala ang tips natin ngayon.

Lead out of love. Malasakit at pag-ibig para sa mga taong iyong pinamumunuan ay mahalaga. People will gladly make sacrifices for people who love and care for them. Pangunahing responsibilidad ng isang leader ang pangalagaan ang mga taong kanyang pinamumunuan.

Encourage others through your example. Ang sabi ni John Quincy Adams, ika-anim na pangulo ng America, "If your actions inspire others to dream more, learn more, do more and become more, you are a leader." Hindi excuse o lisensiya ang mataas na posisyon para manguna ka sa paglabag sa mga alituntunin sa inyong kumpanya. You lead by example. Ang mga alituntunin na gusto mong sundin ng iba, dapat ay sinusunod mo rin. Ang sabi ni Stephen Covey, "What you do has far greater impact than what you say."

Affirm the strengths of your people. Ang mahusay na leader ay hindi nababahala o threatened kapag may umuusbong na bagong talents o potential leader sa kanyang grupo. An effective leader is also a good talent scout. Tinutuklas niya ang husay at kakayahan ng mga taong nasa kanyang pangangasiwa at binibigyan niya sila ng pagkakataon para gamitin at ipakita ang mga talentong ito. An effective leader is the number 1 cheerleader of his people.

Delegate to show trust. May mga taong mahusay pero pinanghihinaan ng loob dahil kulang pa sa exposure at karanasan. Pagkatiwalaan mo sila ng dagdag na authority at responsibilidad upang masubukan ang kanilang kakayahan. Effective leaders trust their people enough to delegate responsibilities to them.

Ang sabi ng kilalang leadership expert at consultant na si John Maxwell, "A leader is one who knows the way, goes the way, and shows the way." Malaking pagpapala ang magkaroon ng mahusay na leader. Malaki ring pagpapala na mabigyan ng pagkakataong maging isang leader. Lead out of love, Encourage others through your example, Affirm your people and Delegate responsibilities to them.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


Source: Protips FB Page

Monday, February 13, 2017

Step Out of Your Comfort Zone

PROTIPS - January 23, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Paano mo malalaman kung sobrang kumportable ka na sa iyong trabaho at naging comfort zone mo na ito? Importante na tayo ay competent at confident sa ating ginagawa. Mahirap naman kung palagi tayong nangangapa at hindi nakasisiguro kung tama ba ang ginagawa natin. But if you have become too comfortable at work to the point of complacency and mediocrity, hindi rin naman katanggap-tanggap ito. We need to keep on growing and learning in our work and business.

Magandang araw! Ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ang sabi ng motivational speaker at author na si Denis Waitley, "A dream is your creative vision for your life in the future. You must break out of your current comfort zone and become comfortable with the unfamiliar and the unknown." Maraming imperfections si Apostle Peter. Siya ay impulsive. Tatlong beses niyang binetray ang Panginoong Jesus. Mabilis siyang nagbibitiw ng mga salita bago pag-isipang mabuti ang mga ito. Ngunit sa kabila ng kanyang flaws, tanging si Peter lamang ang apostle na nakalakad sa tubig kasama ni Jesus. Bakit? Dahil siya ay handa na iwan ang kanyang comfort zone. Great things and experiences await those who are willing to step out of their comfort zone. Paano mo nga ba i-eencourage ang isang kaibigan o katrabao na huwag matakot lumabas sa kanyang comfort zone?

1) Stepping out of our comfort zone broadens our world. Nadaragdagan ang iyong karanasan, natutuklasan mo ang iba mo pang kakayahan kapag mayroon kang sinusubukang bago. Wala naman talagang mawawala sa iyo. Kung hindi mo magustuhan o hindi ka maging hiyang sa bago mong naranasan, you always have a comfort zone to go back to. Pero isipin mo na lamang kung mahusay ka pala sa isang bagay pero di mo ito nadiskubre dahil natakot kang sumubok? Nakapanghihinayang, di ba? Who you are today is so much more than what you can be. Step out of your comfort zone.

2) Growth is always accompanied by a little discomfort. Maraming babies ang nilalagnat kapag sila'y tutubuan na ng ngipin. Ang mga katawang well-toned at may well-developed muscles ay kailangang dumaan sa rigorous na ehersisyo. Ang isang halaman ay kailangang umusbong palabas sa comfort ng isang buto bago ito lumago at mamunga. May pagdaraanan tayong discomfort at pasakit kung gusto nating lumago. Kaya nga may tinatawag na growing pains, di ba? Kung gusto mong lumago, maging handa na lumabas sa iyong comfort zone.

3) Step out in faith when you step out of your comfort zone. Ang paglabas sa iyong comfort zone ay pagkakataon para iyong ipakita ang iyong tiwala sa Diyos. Maraming bagay ang lingid sa iyong kaalaman at labas sa iyong control. Ngunit lahat ng ito ay alam at kontrolado ng Diyos. Abraham stepped out in faith and left his comfort zone when God called him and he became the father of a multitude of nations.

Ang 2017 ba ay taon ng iyo paglabas sa iyong comfort zone? It may take some discomfort and pain but it will surely broaden your world and give you an opportunity to exercise your faith in God.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


https:Protips FB Page

Sunday, February 12, 2017

ABCs of Being a Blessing in the Workplace (Part 3)

PROTIPS - January 20, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Higit sa pagkita, magandang dahilan ng ating araw-araw na pagtatrabaho ay ang maging pagpapala sa iba. There are countless ways to be a blessing in the workplace. Nitong mga nagdaang araw ay nabigyan ko na kayo ng dalawampung mungkahi. Kumpletuhin natin ngayon ang ABCs of Being a Blessing in the Workplace.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ang sabi sa Proverbs 11:25 (MSG), "The one who blesses others is abundantly blessed; those who help others are helped." Huwag kang magdalawang isip na maging pagpapala sa iyong mga katrabaho. Ang pagpapalang ibabahagi mo sa iba ay tiyak namang babalik sa iyo, kadalasan sa panahon at paraang di mo naman inakala. It really doesn't take much to be a blessing to others. Ang pundasyon nito ay ang pagkakaroon ng malasakit sa iba. Narito ang karagdagang tips kung paano ka magiging pagpapala sa iyong trabaho at sa ibang tao.

21) Understand first before reacting or responding. Narasanan mo na sigurong sumali sa usapan ng hindi naman talaga nauunawaan ang isyu. You ended up saying things which are totally irrelevant to the topic. Bago mag-react, bago magsalita, makinig muna at unawain ang pinag-uusapan. Bago uminit ang iyong ulo, bago magalit, unawain muna kung ano ang pinanggagalingan ng kausap mo. Maiiwasan ang maraming misunderstanding at miscommunication kung uunahin natin ang pang-unawa kaysa ang pagbibitiw ng mga salitang di masyadong pinag-isipan.

22) Value feedback. Maging bukas tayo at mapagpasalamat kung may feedback tayong natatanggap tungkol sa ating trabaho o negosyo. Di makatutulong kung palagi kang defensive. Tanggap mo naman siguro na walang taong perpekto sa mundo hindi ba? At tiyak naman na kasama ka doon sa hindi perpekto. Kaya kung may mungkahi o feedback kang matatanggap, sang ayon ka man dito o hindi, matutong makinig at magpasalamat.

23) Work with others and be a team player. May mga taong mahirap katrabaho. Mayroon namang napakagaan na kasama sa opisina o kahit na anong proyekto. Sino sa dalawa ang gusto mong makasama? Siyempre yung magaan katrabaho, di ba? Be that kind of a team member to others. Be one of the reasons why teamwork works.

24) eXtra ordinarily persevere. Magpursige at magtiyaga hanggang sa matapos ang trabahong dapat tapusin.

25) Yield to God. Bahagi ng dapat nating isuko sa Diyos ay ang ating career at negosyo. Kung sa tao ang pagsuko ay pagkatalo, sa Diyos, we become victorious when we learn to surrender or yield everything to Him.

26) Zzzzzz...get enough sleep and rest. Kung gusto mong maging pagpapala sa opisina ninyo, tiyakin mong sapat ang iyong tulog at pahinga. Maraming maiinitin ang ulo at maikli ang pasensiya kapag pagod at puyat. Kaya ngayong weekend, magpahinga ka para pagdating ng Lunes, fresh at ready to work ka na ulit.

Kung gugustuhin at kung magiging intentional tayo, maraming paraan para ang trabaho mo at ang buhay mo ay maging pagpapala sa iba. You work not just to earn money or gain popularity. Mabilis kang mapapagod kapag pera lamang ang dahilan ng pagtatrabaho mo. Your work opens up countless opportunities for you to bless others.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


Source: Protips FB Page